Filipino — Aralin 1 Concept Check
30 items • 10 Identification • 10 Tama o Mali • 10 Multiple Choice
Part I — Identification
1. Sino ang nagbigay ng depinisyon na ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likás na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una sa kahulugan at ikalawa sa estilo?
2. Ano ang salitang Latin na pinagmulan ng salitang “pagsasalin”?
3. Ano ang ibig sabihin ng SL?
4. Ano ang ibig sabihin ng TL?
5. Ano ang matandang kawikaang Italiano na nangangahulugang “tagasalin, taksil”?
6. Ano ang unang nalimbag na aklat sa Pilipinas noong 1593?
7. Sino ang pinaboran ang salita-sa-salitang salin ng Bibliya sa Letter to Pammachius noong 395 AD?
8. Ano ang unang nobelang Tagalog na isinalin ni Fray Antonio de Borja?
9. Ano ang tawag sa prosesong nag-aalis ng mga hadlang na kultural upang maging angkop ang nilalaman sa target na bansa?
10. Ayon sa SIL, ano ang tatlong katangian ng isang mahusay na salin?
Part II — Tama o Mali
11. Ayon kay Eugene A. Nida, unang binibigyang-priyoridad ang kahulugan at ikalawa ang estilo.
12. Ang TL ay nangangahulugang Source Language.
13. Ang “translatio” ay salitang Latin na nangangahulugang pagsalin.
14. Ang “traduttore, traditore” ay nangangahulugang “tagasalin, taksil.”
15. Ang Doctrina Cristiana ay unang nalimbag noong 1593.
16. Isa sa mga unang tekstong naisalin ay ang Bibliya.
17. Ang pagsasalin ay walang kaugnayan sa pagdaragdag ng impormasyon at kaalaman mula sa ibang wika.
18. Kasama sa kasanayan sa pananaliksik ang pagkilala sa target na mga mambabása.
19. Sa pagsasaling teknikal, hindi mahalaga ang estilo basta hindi nababago ang nilalamang impormasyon mula SL tungong TL.
20. Ang tekstong pampanitikan ay nakatuon lamang sa nilalaman at hindi sa anyo.
Part III — Multiple Choice
21. Sino ang nagsabing ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita?
22. Sino ang nagsabing ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika gamit ang mga piling tuntuning gramatikal at leksikal nito?
23. Sino ang nagsabing ang pagsasalin ay pagpapalit ng isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika?
24. Alin ang HINDI kabilang sa tatlong katangian ng mahusay na salin ayon sa SIL?
25. Anong kasanayan ng tagasalin ang kinabibilangan ng paghahanap sa kahulugan ng di-pamilyar na salita sa diksiyonaryo at ensiklopedya?
26. Alin ang kabilang sa Kasanayan sa Pagsulat?
27. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasaling teknikal?
28. Alin ang katangian ng tekstong pampanitikan ayon kay Belhaag?
29. Alin ang isa sa tatlong pangunahing tungkulin ng tagasalin ayon kay Rosario C. Lucero?
30. Sino ang nagsabing ang tagasalin ay isang tunay na mananaliksik, manunuri, at malikhaing manunulat?